Pa-background music ba kamo? 



1. Bagay raw kayo sabi ng friends niyo!


via GIPHY

Kasalanan niyo tong lahat mga g*go. Sa totoo lang, hindi mo naman siguro maiisip na lokohin yung sarili mo para maniwalang may pag-asa ka kay bestie kung hindi lang kayo laging niloloko ng mga mutual friends niyo. Ikaw namang si marupok, kilig na kilig kaso hindi pahalata kasi mahirap na... baka madulas. Alam mo namang walang magandang bagay na lumalabas kapag tinotoo ang mga biro.



2. Kilalang-kilala mo na siya


via GIPHY

Nasiliyan mo na siya habang wala pa siyang makeup, nakita mo na siyang nangungulangot, at naamoy mo na rin yung utot niya and despite everything, patay na patay ka pa rin sa kanya. Hassle. Sobrang kumportable niyo na sa isa't isa kaya medyo awkward noong nararamdan mo nang  nagkakagusto ka sa kanya tapos nakakailang kapag magkalapit kayo. Syempre, hindi mo pa rin pinapahalata kasi gusto mo na parang walang nagbago kahit sobrang litong-lito na yung puso at utak mo.



3. Lagi kang nandyan para sa kanya... ano 'ng mangyayari kung mawala ka?


via GIPHY

Sa sobrang tagal niyo nang magkakilala, ikaw lang yata yung lalaking/babaeng (maliban sa mga kamag-anak) na nasa tabi niya through thick and thin. Oo, may mga pa-fling-fling siya pero saglit lang naman yun kaya kaya pang tiisin. Ikaw yung isa sa mga constant sa buhay niya, and siya yung constant sa buhay mo. Inaasahan ka niya and in the same way, inaasahan mo rin siya at nakakatakot yung posibilidad na maaaring mawala lahat yun kapag nagkamali ka ng taya. 



4. You're the only one he/she can really talk to

via GIPHY

Kahit gaano ka kapangit at gaano kaganda o kagwapo yung kaagaw mo kay bestie, meron kayong pinagsamahang hindi mapapantayan ng kahit anong pa-retoke kay Belo yung pinagawa nung malanding yun. Sa'yo lang siya nag-o-open up tungkol sa problems niya. Sa'yo siya tumatawag kapag kailangan niya ng kausap. Yung mga late night conversations na yun, ay nako, paano mo ba hindi iisiping mahal ka rin niya eh sa'yo siya nakasandal tuwing umiiyak siya dahil nag-away sila nung kaagaw mo sa kanyaay oops.



5. Hindi kasi ito pelikula

Kung pelikula 'to siguro nagkatuluyan na tayo. Yuck. Tayo? Maging magjowa? Magmahalan habang buhay? Yuck, ang cliché naman nun. Ano'ng klaseng tao yung magugustuhan yung ganun klaseng happy ending? Yung tipong mag-co-confess ako sa 'yo tapos may dramatic pause to build up tension sabay may papatay na isang luha mula kanan mong mata in specific tapos sisigawan mo ako ng "Bakit ngayon mo lang sinabi?! Gago ka!" Sabay yayakapin mo ako at maghahalikan tayo tapos on cue bubuhos yung ilan habang tumutugtog yung theme song natin. Ha ha.


Syempre mas preferred ko yung tunay na nangyari... noong nag-confess ako sa 'yo. 



Inaya kitang kumain sa cafeteria pagkatapos nung klase natin. Nilibre kita ng favorite mong juice kasi yun yung way ko to buy your love kasi wala namang tayong pera noong college. Habang umiinom ka, ibinigay ko sa'yo yung love letter na sinulat ko kasi syempre wala naman akong tiwala sa sarili ko na hindi ako mabubulol-bulol habang inaamin ko sa 'yo na mahal na mahal kita. 


Alam mo, sobra kong natatandaan yung mukha mo noong mga sandaling yun. Yung kasi yung mukhang lagi mong ginagawa kapag meron kang gusto sabihin pero nag-aalangan ka. Laging mong ginagawa yung mukha na yun dati. Pagkatapos mong basahin yung sinulat parang ang tagal-tagal mong tahimik. Ako naman nakatitig lang sa sahig habang lumulutang yung utak dahil sa mga pangyayari.


Sobrang tahimik hanggang bigla ka lang umimik. Noong una hindi ko pa siya narinig pero parang alam ko na yung gusto mong sabihin. Inulit mo para sigurado, "Sorry."