1. Hindi naman sa pangit ka pero...


via GIPHY

Nagustuhan ka naman niya sa simula so at least sure kang merong attraction... noon. Alam mo naman, people change and syempre that means so do their preferences. Baka hindi ka naman talaga pangit pero eventually may nakita pala siyang mas trip niya. Minsan akala niya gusto niya ng sinigang pero deep inside nung natikman ka na niya, nalaman niyang mas gusto pala niyang sumutsot ng bulalo. Maybe you changed as well, and he liked the old you better.



2. Hindi naman sa hindi ka importante pero...


via GIPHY

May iba siyang priorities at ikaw naman paniwalang-paniwala sa mga pambobolang ginawa niya. "You're number one, babe" at "this is for us. For our future" pero sa totoo lang alam na niya, simula't sapul, na wala ka naman sa future na pinapangarap niya.


Minsan hindi ka talaga in line with his plans kasi sure na sure siya na i-da-draft na siya ng PBA  next year kasi pinasok na siya ni coach nung huling game. May brighter future na raw siya ahead of him kaya bakit pa siya magse-settle sa'yo?



3. Hindi lang si DeAndre Jordan ang magaling rumebound...


via GIPHY

Mahirap talaga kapag marupok ka pero kasalanan mo rin naman kasi mas mahina siya nung mga sandaling yun and ikaw namang si landi, minessage lang ng "Wanna go out? I need someone to talk to," bumigay agad (at nag-alok pa!). That's life; easy come, easy go.



4. Baka naman HINDI KA TALAGA NIYA MINAHAL...


via GIPHY

Ay pu... foul ba? Kasi kung binabasa mo 'to, marahil medyo bata-bata ka pa (o baka matandang dalaga/binatang may asim pa) kaya wala kaming tiwala sa pa-lab-lab mo d'yan. De joke lang. Pero half-joke kasi hindi naman masama ang "young love" kasi rito talaga tayo natututong "umibig nang tunay... la la la la..." Sa pagtanda niyo, for sure, ang dami niyong mararanasang iba't ibang klase ng pag-ibig na magpapamulat sa inyo sa mundo.



5. Hindi naman sa nagkulang ka... kasi kulang naman tayong lahat


via GIPHY

Kung alam mo namang ginawa mo na lahat, bakit mo pa sinisisi ang sarili mo? At, hindi rin naman namin sinasabing sisihin mo yang ex mo. Baka sakaling hindi talaga kayo meant to beat okay lang yun.

Kaya baka p'wedeng tigil-tigilan mo na yang pag-sha-share mo ng hugot quotes at Thought Catalogue articles? Kasi walang maitutulong yang ka-kornihang yan sa buhay mo at ng mga FB friends mo (tsaka seryoso, Thought Catalogue talaga? I-angat naman natin nang konti yung tastes natin, please).


Oo, masakit ngayon pero lilipas din yan and ang first step to recovery is accepting the fact na kahit anong gawin mo, may mga taong aalis pa rin. Maybe it's time to find someone who will stay despite your inadequacies and will help you be a better person. Lahat naman tayo kulang at wala namang taong perfect fit para maging "buo" tayo, all we have to do is find someone willing to do enough for us to want us to be better.