You’re one of Viva’s new discoveries. How did they find you?

It’s been a long journey actually. Ten years in show business, making my own name is not a joke. Dumating na din ako sa point na magki-quit na sana ako kasi pakiramdam ko noon Baka hindi Talaga para sa akin. Lahat na yata ng TV station nadaanan ko na. Sa GMA talaga actually yung masasabi kong umpisa ng laban ko sa showbiz. Naging part ako ng isang malaking teen-oriented show, Tweenhearts. Kontrabida ako doon. At doon din nag-umpisa yung pagiging kontrabida ko noon sa iba’t-ibang TV shows sa GMA. Naging part din ako ng Master Showman ni Kuya Germs. Isa ako sa mga hosts at doon ko nakilala si Tita Aster Amoyo na ngayon ay manager ko at siya ang nagdala sa akin sa Viva na ngayon ay management ko. Who would have thought na ngayon, ako na yung bida sa sarili kong pelikula?


This makes Adan your biggest break so far. How did you feel when the movie was first offered to you, since it’s a daring project where you’ll be playing someone who gets into a dangerous relationship with another woman?

Bago ko nalaman na may gagawin akong pelikula, nag-struggle talaga ako for how many months. Gusto ko na lang talaga mag-quit noon. Parang ayoko na kasi wala na talagang nangyayari. Hanggang sa pinag-audition nila ako sa Untrue. Nakuha ko yung role na sobrang challenging din talaga. At after nun nasundan agad ng Adan. Kaya nung sinabi sa akin na may gagawin akong ganitong klaseng pelikula, narealize ko na “hindi ko dapat sinusukuan yung bagay na matagal ko ng pinaghihirapan.” At doon ako naniwala na para sa akin talaga ito. Kaya tuwang tuwa ako noon kahit di ko pa nababasa yung script. Yung thought na binigyan ako ng sarili kong pelikula na napaka-challenging ang role at hindi basta-basta yung kwento, ibang klase yung happiness knowing na may mga tao na susugal para sa’yo at magtitiwala. At nung nalaman ko na ang kwento ay isinulat ni Direk Yam at ide-direk ni direk Roman Perez Jr. Wala akong naging dahilan para tanggihan ang proyekto. Nung nag script reading na kami, doon na pumasok yung kaba. Pero mas nagibabaw parin yung pagmamahal ko sa craft ko at sa sining kaya mas naging excited akong gawin yung pelikula. 


How did Direks Yam and Roman prepare you for the movie?

Sina Direk Yam at Direk Roman, winorkshop nila kami for, like, three days. Sinabihan din nila kaming manood ng mga lesbian-themed movies katulad ng HandmaidenBlue is the Warmest Color etc. At doon syempre nakakuha ako ng pwede kong magamit as Ellen. Nakaisip ako ng pwede kong maging atake. So nakatulong din talaga siya. 


What did your parents think of the movie?

Actually my parents are separated. At nasa abroad pareho. Kaya nung ginawa ko ito hindi ko muna sinabi sa kanila. Sinabi ko na lang nung natapos ko na gawin ha ha ha! Hindi naman sila nagalit. Pinaliwanag ko naman. At may tiwala naman sila sa akin pagdating sa mga ganitong bagay para sa career ko at nasa tamang edad na rin naman ako para mag-desisyon for myself. At kung sakaling mapanood man nila, SANA NALANG KAYANIN NILA, ha ha ha!

Art direction by Paul Villariba
Styling by Deb Bernales
Makeup by Janina Dizon
Hair by Muriel Vega Perez