What do you like in a guy? 

Hindi kasi ako mahilig sa gwapo eh. Kasi usually kapag tinatanong yung babae ano gusto mo sa lalaki sasabihin nila, "gwapo matangkad ganyan”, sa akin kasi di ako masyado mahilig. I mean na-a-attract  ako gwapo  pero  mas nagkakagusto ako sa may sense of humor, masaya kasama, tapos sweet. Ma-effort at hindi babaero ! 


Yung parang, ‘gwapo ba?’ Then you answer, ‘mabait’ ha ha ha! That’s a classic joke, the punchline being hindi lang masabi na panget. So where do you draw the line?

Sa akin kasi feeling ko pag mabait yung lalaki, tapos sweet, tapos hindi babaero gwapo na siya sa paningin ko!  Kesa sa gwapo tapos kausap naman yung chicks, malalaman ka-chat si ganito ka-chat si ganyan tapos kung sino-sino kasama sa gimikan. 


So naniniwala ka ba that Empoy is the new pogi?

Pwede, ha ha! Basta importante ikaw lang sapat na, ganon! 


Ito ang magandang tanong: Why do you think guys still cheat kahit na ang ganda-ganda na ng girlfriend nila? Halimbawa, ikaw! 

Di ko alam bakit ganon mga ibang lalaki. Parang karamihan talaga sa lalaki walang contentment. May mga friends ako, sexy at mabait naman pero niloloko pa rin. Bakit nga kasi… 


By what you're saying medyo marami ka nang experiences na ganyan?

Hindi ako swerte sa lovelife talaga, lagi ako naloloko. Lagi ako sinasaktan.


So ano’ng plano? 

Magpapaka-single nalang ako forever!