How does it feel like to kiss Cindy Miranda?

Sa set, after namin gawin yung first love scene namin, nagulat silang lahat kasi parang wala lang nangyari, ha ha ha! Ang intense nung ginawa namin pero after nun parang normal lang sa amin. No awkwardness at all kahit na first time kaming nagkatrabaho ni Cindy. Siguro nakatulong din talaga yung workshops namin at syempre professional kami pareho. Give and take talaga sa lahat ng eksena. Kaya mahirap man nagiging madali parin para samin. 


Are you open to having a relationship with another woman?

May mga friends akong bakla at lesbian. Mabubuti silang mga kaibigan. Kaya kung dumating man sa punto na may magparamdam sa akin na lesbian, hindi siya magiging big deal sa akin. Kasi naiintindihan ko sila. Sadyang straight lang talaga ako. Pero hindi ko sinasara yung pintuan ko para sa kanila.


We are betting that you will be the next Pantasya ng Bayan. Are you up for it?

Kung yun man ang mangyayari, wala namang kaso sa akin yun. Kung yun ang nakikita nila sa akin. But personally, mas gusto kong makagawa pa ng iba’t ibang klase ng pelikula. Yung makapag-portray pa ng maraming kakaibang roles. Mas makapag-explore para mas maging mahusay na aktres. At sana yun ang ibigay nilang chance sa akin. Bilang aktres, mas marami pa akong kayang gawin.