Does being a model really come with a lot of perks?
Oo naman, pero hindi ka naman biglang yayaman basta model ka. Kaya siguro tingin ng mga tao mayayaman yung mga model eh kasi laging maganda yung suot nila pero kasama kasi yun sa branding at image mo eh. Kapag pucho-pucho lang gamit mo hindi ka rin seseryosohin ng mga tao.
What if you don't have the budget to buy these things?
Manghiram ka, ito nga [Kristine Anj shows off her outfit], renta-renta lang, ha ha! Joke lang.
What do you mean renta-renta lang?
Basta renta, hindi mo ba alam yon? Parang kapag JS prom tapos wala kang masuot eh di magrenta ka na lang doon sa mga tahian, parang ganon din yun kapag model ka na. Mura lang renta dun tapos maganda ka tingnan. Hindi ba sulit?
So when do you have to rent stuff? During events?
Depende sa event. Kunwari yung event, isang masquerade. Eh di renta ka kasi kapag bumili ka, isang beses mo lang masusuot yon. Sayang naman yung pera! Mag-rent ka na lang kapag alam mong isang beses mo lang siya magagamit.
Is this a thing that models really do?
Oo, kakasimula ko pa lang din sa modelling kaya pinag-aaralan ko pa rin hanggang ngayon.
So where do you learn these things? Do you have friends in the modelling scene?
Wala eh. Usually kasi, yung mga friends kong mga models ayaw nilang mataasan so hindi sila magse-share ng mga tips kahit gaano mo sila ka-close--hahayaan ka nila kumayod ka sa sarili mong ganda.
How did you manage to have a successful career so far without much help?
Una yung ginawa ko, pa-photoshoot lang ako nang pa-photoshoot, hangang sa dumami na ang followers ko, siyempre doon niyo rin ako na-discover di ba?
How do you keep yourself from being taken advantage of by manyak photographers?
Tinitingnan ko rin yung background nung photog. Nagre-research ako kung okay ba sila at kung sino na rin yung mga ibang na-shoot nilang model at syempre, kung maganda ba yung output nila.
For any amateur photographers who want to shoot you, what do you look for in photos?
Uhm, gusto ko yung parang cinematic. Gusto ko yung may kwento yung shoot. Parang makakakita ka ng kwento kapag maganda yung mga kulay at contrast ng mga photos di ba? Yung mga ganun.
Did you ever try photography yourself?
Hindi, pero siyempre nakikita ko lagi yung mga nasa IG so dun na lang ako bumabase.
How do you know when a photo will get a lot of attention?
Syempre, bago ko ipo-post yung photo, kinukonsulta ko muna sa mga friends kong lalaki kung okay ba siya o kung pangit. Sila talaga kasi yung makakaalam kasi karamihan naman ng mga followers ko lalaki.
Buti hindi manyak mga kaibigan mo
Ay hindi, tropa eh, tropang-tropa! Supportive talaga sila.
How do your guy friends support you now that you're getting really popular?
Wala naman. Fino-follow nila ako at sine-share nila minsan yung posts, ha ha! Hoy, kung nagbabasa kayo, share niyo 'to ah!