Care to explain why people are calling you a "Diva?"

Ay, "Diva" po means main singer.


And you dance at the same time as well? 

Oo, parang peg ko po si Rihanna kasi sing and dance nga po. Nakakaenganyo po kasi siya panoorin kasi malilibang ka na sa kanta, malilibang ka pa sa sayaw. Tapos kung sexy pa siya, mawiwili ka talaga.


Did you ever want to be a solo artist like Rihanna?

Ah, hindi po, Yung una ko po kasing pangarap ay maging dancer po ni Kuya Will[ie Revillame]. Hindi ko po naisip na magiging Sexbomb Dancer po ako kasi hindi ko pa po alam na bubuo sila ng Newgen. Nakatutuwa rin po dahil nakasali po kami as guests sa Willie of Fortune pero bilang SB Newgen na po.


Why did you want to be a dancer of Willie Revillame in specific?

Feeling ko po kasi sisikat po ako roon dahil mahilig magbigay ng opportunity si Kuya Will sa mga bagong dancers katulad nung si "CONGRATULATIONS!" Pero masayang-masaya na rin akong makapasok sa SB Newgen kasi mas malaking opportunity pa pala ito.


So hypothetically, what would have been your gimmick in case you were given the chance by Kuya Will?

Siguro yung pagkanta ng kahit anong paraang gusto ng fans kasi di ba kadalasan yung mga dancer ni Kuya Will puro sumasayaw lang pero ako kakayanin kong kumanta kahit tumatambling at may pa-split pa!


Were you a performer even before you got started in SB Newgen?

Actually, nagtratrabaho ako para sa Department of Tourism before. Nakakasayaw at nakakakanta lang ako kapag may contest sa Christmas party. 50K yung prize noon kaya dapat competitive kami. Ako yung laging nagiging choreographer at singer ng team namin, ha ha! Nagulat na lang sila nung bigla akong nag-resign para sumali sa SB Newgen pero masaya at proud naman sa akin yung mga katrabaho ko before kasi nakikita na nila ako sa TV.

Did any of leadership skills help you out now that you're in SB Newgen?

Usually si Ate Keshia [Almoroto] yung nag-gu-guide sa amin kasi siya yung pinakamatanda. Kahit hindi tungkol sa pagsayaw, pati na rin tungkol sa family problems. Parang nanay o lola namin siya kasi konting kembot pa lang sumasakit na yung balakang, ha ha! Katinko agad! Pero kapag photo naman o video sexy naman siya.


So, what do you contribute to the group now?

Parang ako yung clown. Kaming dalawa kasi ni Daphny [Red] yung makulit, yung mga baklang babae. All out talaga kami, hindi pabebe.


Art Director: Paul Villariba
Styling: Debra Bernales
Hair: Team MVP (Muriel Vega-Perez)
Makeup: Team MVP (Muriel Vega-Perez)