So how did you get discovered by VIVA?

Nakilala nila ako sa isang event. Actually, I used to be an assistant para sa isang event manager kaya siya yung naging parang una kong manager.


So you used to organize events?

Oo, yung mga event namin yung may mga sumasayaw at kumakanta, ha ha.


So among all the models who participated in that event, you were the one who got scouted?

Oo! Tinanong nung nag-scout sa akin kung bakit daw ako nag-a-assist sa event, dapat daw isa ako sa mga featured na talents! Nagulat talaga ako. 17 pa lang ako noon kaya buti na lang I had my friend to guide me.


But did you at least have some experience in modelling?

Puro pageants lang ako dati eh. Mga pageants sa school, baranggay, at city namin. Actually, marunong din naman akong sumayaw pero hindi ako sumasayaw sa mga events namin.


Did you ever imagine yourself as a VIVA artist?

Matagal ko nang gusto maging artista. I'm so happy to have this opportunity. Ang dami ko nang nakikilalang artista na hindi ko in-expect na ganun pala sila kabait. Nag-enjoy ako working with them. Ngayong taon sana dire-diretso na yung work so I can experience more things.


What changes did your life go through once you got into showbiz?

Napakasimple lang kasi ng buhay namin before kasi sa probinsya kami nakatira, sa San Mateo, Rizal. Ever since nag-artista ako, ayun ang dami ko nang nakikilalang tao katulad niyo mga creative. Nakatutuwa makasalumuha kayo nang ganito.


But, we've all heard that story before. A nice girl from the province suddenly changes once she becomes more popular...

Ayoko sanang magbago yung pagtingin ng mga tao sa akin. Ayokong mailang sila lumapit sa akin at kausapin kasi pareho lang naman tayong tao. Noong nagpa-pageant pa ako sa mga tao, medyo nakikilala na ako ng mga tao sa lugar namin pero gusto ko pa ring i-trato nila ako bilang normal na tao kahit nakikita nila ako sa mga pageant, sana ganun din kapag napapanood na nila ako sa TV o kaya sa mga sine. Sana rin maging proud sila sa akin.


Art direction by Paul Villariba
Styling by Deb Bernales
Makeup by Nicole Ceballos
Hair by Muriel Vega-Perez
Shot on location Edge of Light Studios