What's the most exciting experience you've gone through as an artista?

Yung bed scene ko with Sam Milby sa Halik, ha ha!


Oh, so how was that like?

I played a kabit so pagkagising niya magkatabi kami kaya kini-kiss ko siya, ganun. Masaya naman, ha ha!


Did Sam Milby seem happy as well?

Yeah, pero very gentlemanly siya. Sabi pa niya sa akin, "pasensya na. Hindi pa ako nagji-gym." Hiyang-hiya naman ako sa six pack niya.


How do you get yourself into character?

Hmmm, iisipin mo lang yung nararadaman ng character mo sa eksena tapos yun kunwari lang na totoo.


If you had the chance to talk to your past self and give her a piece of acting advice, what would say?

Yung kilay mo awkward, ha ha! Kasi kapag nagsasalita ako o nagkukunwaring galit, sobra niyang tatabingi kaya dapat easy ka lang kung umarte. Kalma, Jelly!


So how did you learn to eventually correct those awkward mannerisms?

Nag-workshop kasi ako. Basic at intermediate acting workshop ng VIVA. I'm still waiting to attend the advanced one.


What does it mean for a celebrity to be able to finish those workshops?

Parang kapag beginner ka pa lang, yung mga simpleng supporting roles muna yung mapupunta sa'yo tapos kapag intermediate ka na p'wede ka na sa mas maraming lines, at kapag natapos mo na yung advanced workshop, alam na ng mga producer na, "Uy, p'wede na 'tong makipagsabayan sa mga malalaking artista at bigyan ng mga mabibigat na role."

Seems like a tedious process, what was the most difficult part of the experience?

Yung malayo yung lugar tapos wala kang pamasahe.


A lot of people thing that when you're a celebrity, it automatically means you're rich. How truthful is this statement?

Hindi naman. Mukha ka lang sigurong mayaman kasi kailangan. Kung hindi ka magmumukhang artista, hindi ka rin mapapansin at makakakuha ng opportunities.


So, what's the difference between someone who's a celebrity from someone who's just good-looking?

Hindi naman kasi kailangan maganda ka o mamahalin yung suot mo basta mukha kang disente tingnan. Kailangan ding marunong kang makipag-usap sa mga tao. Meron kasing mga tao na sinasayang yung kagandahan at kagwapuhan kasi hindi nila kayang dalhin sarili nila. Meron kasing mga tao na simple lang pero malakas yung dating--I think yun yung mukhang artista para sa akin.


Do you see any of these characteristics in yourself when you chose to become a celebrity?

Marami kasi akong kapatid na lalaki kaya medyo boyish ako noon kaya noong napasabak ako sa showbusiness parang "okay, bawal magaslaw kapag nasa public." Mahirap na rin kasi kapag may nakakita sa'yo tapos bigla kang i-bash.


Have you experienced a lot of bashing?

Yung iba kasi hindi nila naa-appreciate yung mga ginagawa ko, lalo na yung mga medyo pa-sexy. Katulad nung kay Sam Milby, hindi naman siya kabastos-bastos pero yung ibang tao sobrang judgemental. Sinasabi nila, "O, bakit mo na ginagawa yung mga ganyan? Ginusto mo bang magkaganyan ka?" 


Those are some harsh words from someone who doesn't really know you

Nung una medyo kinakabahan ako sumabak sa mga eksenang ganun pero ipinaliwanag naman ng handler ko na normal lang yun. Kailangan mo talagang maging professional at magkaroon ng sarili mong diskarte para maging successful ka.


Art direction by Paul Villariba
Styling by Deb Bernales
Makeup by Nicole Ceballos
Hair by Muriel Vega-Perez
Shot on location Edge of Light Studios