What else are you keeping yourself busy with beside SB Newgen?

Dati po may business ako pero itinigil ko na muna para makapag-concentrate talaga sa SB Newgen. Gusto ko talagang mag-focus na mag-grow kami muna lahat at artist kaya rito muna lahat ng commitment ko. Kapag may free time ako, I spend it with my family na lang.


Do you have any other hobbies besides dancing?

Mahilig din po akong magsulat. Tumulong po ako sa pagsusulat ng ibang parts ng "Want U" at yung bago naming kanta na ilalabas pa lang.


What separates SB Newgen songs from the all the rest of the songs that other girl groups are making?

Yung mga songs namin parang targeted sa millennials pero may values pa rin katulad ng pinag-uusapan namin sa "Want U" na dapat kung gusto mo talaga yung babae, ang dapat mag-first move ay yung guy.


So if a guy would want to pursue a relationship with you, how should he initiate?

Getting to know dapat talaga muna. Kasi based on our experience, parang gusto agad ng guy, date agad kahit di pa nila talaga kakilala yung i-da-date nila without even knowing kung sino yung taong yun. Minsan kasi sa field namin parang mindset ng mga ibang tao, "Ay yung mga babaeng 'to madaling makuha." Mas na-tu-turn on ako sa mga lalaking kinikilala muna kami bilang tao at hindi lang bilang performers.


Daphny also mentioned that you're the one who's strict with the suitors

Ay oo, kasi naranasan ko na rin yung mga nararanasan nila. Mahirap talagang mag-regret sa life sa huli. Marami kasi sa kabataan ngayon parang porke't gusto mo, go, gagawin mo lahat para sa taong yun kahit ano pang mawala sa'yo. Parang hindi mo na alam yung mga priorities mo kung tama kasi ang mindset mo, nagmahal ka, yun yung mali. Yun yung lagi kong nire-remind sa kanila.


Do you guys at SB Newgen have similar taste in guys?

Oo, medyo. Though, yung mga type mong lalaki, hindi sila yung laging napupunta sa'yo or minsan na lang, unexpected na biglang may maayos na dumating.


Apart from these life lessons on relationships, what other lessons from the industry would you like your younger sisters from SB Newgen to learn?

It isn't bad to learn from other but you have to choose you friends wisely kasi may mga taong gagamitin ka lang. Akala mo nandyan sila para sa'yo pero sila pala yung manghihila sa'yo pababa.


Since you have been with SB Newgen the longest in this batch and you've known the OG Sexbomb girls the longest, how would you compare them to the SB Newgen Girls now?

Siguro number 1 yung sayaw talaga, but other than that siguro yung nagkakaroon ng individuality sa mga looks namin. Kasi before yung style ng Sexbomb girls, pare-pareho pero ngayon nagkakaroon na kami ng sarili naming ways to project our different personalities and flavors. Pero parang kapag pinagsama-sama mo, dun mabubuo parang "wow, ito pala ang SB Newgen." Parang kapag isang ulam, mabubuo lang kami kapag nandun lahat ng sahog.


Do you think that SB Newgen will eventually become as popular and successful as the original Sexbomb Girls?

Apart from yung fame, yung gusto talaga namin is yung makapag-inspire kami ng tao. Matuto silang maniwala na kaya at posible ang lahat ng bagay basta ginusto mo. Kami kasi, hindi naman nagsimula lahat sa madali pero ang importante hindi kami sumuko. 


Art Director: Paul Villariba
Styling: Debra Bernales
Hair: Team MVP (Muriel Vega-Perez)
Makeup: Team MVP (Muriel Vega-Perez)