What made you want to be a model?

Na-inspire lang ako ng ibang friends ko na models din and sa tingin ko naman bagay ako maging model! Char! Ha ha!


Paanong "bagay?"

Siguro dahil marami nagsabi sakin na sali raw ako sa mga pageant pero sabi ko sa sarili ko mas gusto ko yung mga ganitong modelling sa shoots o sa video at hindi sa Binibining Pilipinas or what.


Why not both?

Takot sa ako Q&A portion eh.


What do you have to know in order to get into modelling? 

Tinulungan ako ng mga ibang kaibigan kong model step by step. Tinulungan nila akong makakilala ng mga photographers for fun shoots tapos eventually na-invite na rin ako sa events then mas sumikat ako nung nakuha ako sa FHM.


What exactly is a fun shoot?

Parang pang portfolio lang. Walang bayad aka x-deal para may mapakita ako kapag may gustong kumuha sa akin na client.


Do you still do fun shoots now?

Depende sa photographer kung magpapa-x-deal or magpapabayad ako. Kunwari nakatrabaho ko na siya before and maganda naman yung shoot eh di siguro papayag na ako na x-deal or if gustong-gusto ko talaga yung mga shoots niya sa ibang mga models. Pero if mahirap yung papagawa nila or something siguro magpapa-rate na ako kasi feeling ko naman may na-achieve na naman ako at worth it naman yung maibibigay ko sa kanila as a model.


Do you look for a certain aesthetic when deciding on a photographer?

Depende talaga sa mga nasa Instagram nila. Kung gusto ko previous shoots nila game ako.


What if hypothetically, the photographer had like a million followers but you didn't like his or her photos, would you still collab with him/her?

Sa akin hindi naman masyadong importante yung number of followers. Feeling ko mas gusto ko na professional yung photographer para hindi ako yung sobrang nag-aadjust tuwing magkakaproblema.


So how should a photographer carry himself during a shoot?

Sa product talaga yung basehan ko. Parang kapag nakita ko yung photo after ng layout tapos natuwa ako mas magiging kampante na ako sa kanya.


Do you have any pet peeves during shoots?

Siguro yung may papagawa siya na wala sa pinag-usapan namin before the shoot. Yung tipong gusto niyang mas daring tapos pipilitin niya ako. Dapat bago mag-shoot klaro na sa akin lahat para maging kampante ako.


Art direction by Paul Villariba
Hair, makeup, and styling by Naf Candelaria