So what made you decide to start a YouTube channel?


Honestly, yung friend ko ung nag-push sa akin. May time kasi na nag-stop ako sa events tapos wala naman daw akong masyadong gingawa bakit daw hindi na lang ako mag-vlog ng buhay ko? May time naman daw kasi ako at makulit naman personality ko.



What do you want to achieve with your vlogging?

Siguro gusto ko lang magbigay ng inspiration sa mga girls or kahit sinong manonood. Parang sana sa mga napapanood nila sa buhay ko may matutunan din sila tungkol sa sarili nila at gamitin nila yun para ma-improve sarili nila.



How different is the content you can share on YouTube versus the content you post on Instagram?

Feeling ko kasi sa YouTube ko nailalabas yung pagkakalog ko. Meron kasing mga nagsasabi na mukha raw akong suplada kaya gusto ko sanang mas makilala ako ng mga tao through my YouTube channel.



What do you think made them say that you looked masungit?

Actually, binase lang nila sa thumbnail! May nag-comment kasi sa isang cover na ginawa ko on YouTube, Bago pa nila mapanood at mapakinggan yung cover ko nag-comment na agad sila na mukha raw akong masungit sa photo! 



So how are you showing that you’re actually approachable?

Actually, nag-comment siya ulit sa isa ko namang vlog. Binawi na niya sinabi niya kasi napanood daw niya yung vlog tapos parang madali lang naman daw akong kausapin at kalog. Natuwa naman akong nakumbinse ko siya!



Check out Racy Oliva's vlog with that killer clickbait thumbnail! (we're so proud)