How’s your YouTube vlog doing so far?

Meron nang mga content pero hindi pa namomonetize kailangan ko pa ng more watch hours [at this writing Rob’s YT vlog has 8.4k subs]. I’m still working on content—karamihan don mga ginagawa ko lang every day. Syempre nakikipag-collaborate din ako sa mga sponsors ko. 


Kumusta feedback ng mga followers? What kind of content are they requesting from you?

Well, simple lang naman yung request ng iba—na ishout-out ko sila after the vlog. Other want to know more things about me. Iniipon ka lang lahat ng suggestions kasi inaayos ko pa rin ang pag-schedule ng upload ng content, bale once a week ako naglalabas ng new video. 


Do you have a team working with you or do you shoot and edit all on your own?

May mga tumutulong naman sa akin sa pag-eedit, yung mga kasama ko din na streamers. Kaibi-kaibigan lang din kasi syempre tulungan din, kung sino yung aangat yun naman ang hahatak sa iba, parang ganon. 


Sa dami ng content on YouTube, where do you think you can become an expert in or contribute new stuff?

Sa ngayon honestly iniisip ko pa rin yan. I’ve been known for my sexy shoots and I see na maraming models like me nagvaviral yung mga bikini haul vlogs nila, so maybe I will do that as well. Alam ko rin na mas jolly ka or mas nakakatawa ka mas may chance mag-viral ang vlog mo and I think kaya ko naman din yon. Napansin ko rin mas mahalaga pag totoo ka lang sa sarili mo, be real!