So how are you outside of work?

Mas tahimik po... ganon. Parang sa work ko po nailalabas yung energy ko eh.



But you said earlier that you were "kalog"

Opo, medyo kalog pero kapag sa friends lang po siguro. Kapag sa ibang tao or may mga bagong tao sa paligid nahihiya ako pero once na ma-attach po ako at naging friends ko na sila, mas nagiging malikot po ako.




Does it get tiring being kalog while you're working?

Ah, hindi naman po kasi hindi naman po mahirap katrabaho yung mga taga-SB Newgen, lahat po kami makukulit talaga since mga bata pa po kami.



How do you maintain your energy after those all out performances when you have to interact with your fans?

Kailangan pa rin pong energeruc kasi kasama pa rin siya sa work po namin syempre. Yung fans po namin yung dahilan kung bakit kami nandito. Parang ang pangit naman tingnan kung mukha kaming pagod na pagod. Hindi po sila mai-inspire, at gusto namin sila mai-inspire at matuwa sa ginagawa namin. 



So what do you do when you're not busy with work?

Kapag wala po kaming ginagawa, nagri-rehearse po kami ng mga dances para sa next shows po namin, iba-iba yung p'wede naming maipakita sa clients. Marami po kasi kaming mga dances kaya dapat lagi naming sinasayaw para kapag kailangan namin i-perform, ready kami.



Do all you girls live together in one house?

Hindi po. Ako po from Mandaluyong [city]; sila from QC, yung iba from fairview, Nag-rent pa sila ng appartment para makapag-stay sa QC. Pero halos araw-araw kami nagkikita.



Do you think that you guys still keep up your personas on-stage when you guys are together?

Medyo po kasi parang nakakasanayan na namin, Minsan nga po nag-aasaran na lang po kami. Kunwari po si Nikkie, pacute at pabebe, inaasar po namin siya. Nagba-baby talk kami habang nandun siya, ha ha.


Were you sweet even before you got into SB Newgen?

Ahh, siguro nung nakapasok po ako sa SB Newgen, naging mas appreciative po ako sa ibang mga tao kahit hindi ko po sila kilala. Natutuwa po ako kapag nakakasama yung mga fans namin kasi dati hindi ko naman nararanasan yung ganun.



If a guy were to court you, would you want him to be sweet as well?

Hmm... manly sweet siguro. Yung saktong sweet lang, hindi masyado. Kasi pag sweet na sweet naman parang pabeki na masyado. Hindi ko masyadong gusto yung malambot; gusto ko yung medyo matigas at brusko nang kaunti pero ma-effort.


What's the sweetest thing someone has ever done for you?

Sinuprise ako ng mga friends ko sa birthday ko. Akala ko kami-kami lang tapos pagkabukas nung door may mga balloons at mga photos at happy birthday decor. Naiyak nga ako eh! Hindi naman ako nakakaranas nang ganun kaya kahit simple lang yung surprise at kahit alam nila ayoko nang ganun, ginawa pa rin nila para sa akin.


So what's the sweetest thing you've done for another person?

Hindi ko alam eh. Pagiging supportive sa friend ko before? Parang nagiging ate na niya ako so lahat ng bagay sa buhay naming dalawang nagpapakaelamanan kami. Halimbawa kung may mga date siya, magiging third wheel ako kasi ayokong mag-isa siya.



Art Director: Paul Villariba
Styling: Debra Bernales
Hair: Team MVP (Muriel Vega-Perez)
Makeup: Team MVP (Muriel Vega-Perez)
Outfit: Tribal Gear - Philippines