How is it like living in Cebu versus living in Manila?

Sobrang simple lang kasi sa Cebu. Sa amin kasi medyo nasa may bundok na so sobrang iba dito sa Manila, city talaga eh.

Did you experience any culture shock coming here?

Hindi ko na maalala kasi medyo matagal na. Ang naalala ko lang ay sobrang iba yung clubbing scene.

How is it different?

Hmm... paano ba? Siguro mas wild? Ha ha! Mas liberated talaga at mas sexy yung clothing!


So how is clubbing like it Cebu?

Parang pabebe lang, ha ha! Wala masyadong club dun eh.

So would that mean you've become more liberated as well?

Sobrang introverted ko pa rin sa mga hindi ko masyadong kakilala pero mas marami akong nagagawa rito at na-e-enjoy ko naman. Mas nakakakuha ako ng shoots.

What did you like so much about modelling that you even convinced yourself to get out of Cebu and start a new life in Manila?

Before I started modelling, nakakakita na ako ng mga photos sa Internet. Kapag tumitingin ako sa mga photos na yun, tingin ko sa kanila sobrang cool at gusto ko rin talaga masubukan if kaya ko yun.

So why sexy modelling in particular?

Well, iniisip ko rin na gusto kong masubukan iyon dito kasi sa Cebu masyadong conservative. Sobrang inspired ako sa mga fitness model. May ex-boyfriend din ako dati na mahilig sobra sa gym kaya pinu-push niya ako. Na-develop na rin yung workout at healthy lifestyle. Gusto ko kasi talaga makita ko yung sarili ko sa mga sexy shoots na ganito.

Do you have any goals when it comes to modelling?

Yeah, I want to be in a magazine and I also want to try a nude shoot, ha ha!

So what's stopping you?

Nahihiya pa ako! Hindi pa siguro ako comfortable sa ngayon. I think it also depends on the person I'm working with.

How do you become more comfortable with a person?

Siguro yung nagkausap na kami at matagal na kaming nakikipagtrabaho sa isa't isa. Siguro ang pinakaimportante sa akin is yung hindi sketchy yung photographer na parang ina-ano nila yung models. Gusto ko rin yung photographer na easy to be with at hindi nakakatakot. Nagiging shy kasi ako kapag seryoso masyado yung photographer.

You don't look that shy in the photos we took of you!

It's different kasi sa shoot! Parang dito ko nae-express yungs sarili ko. Whenever I feel na nahihiya ako, I just tell myself that there's no need to be shy. "Sexy ako! Maganda ako! Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba kaya bahala kayo d'yan!" Parang momotivate ko lang sarili ko.